Martes, Marso 27, 2018

PINTUAN

PINTUAN

Minsan nagbubukas,minsan nagsasara
Paiba-iba ang dumadaan at nakakasalimuha
Ngunit ng ika'y nakapasok na ay nanatiling nakasara
Hindi na kasi gustong ika'y makawala pa

Pintuan ng puso'y naging daan
Pasensya na at ng ika'y nakapasok ay nabura na ang labasan
Kaya manatili ka na lang,at storya ng pagmamahalan ay ating simulan 
Sa pagpasok mo sa'king  buhay ay di na gustong wakasan

Salamat sa pagdating,hindi ko yun inaasahan
Habang nasa loob ka, pag-ibig ko sayo'y laging patutunayan
Para di kana makalabas,ako na mismo ang nagsara ng PINTUAN

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

MOUSE AT KEYBOARD

MOUSE AT KEYBOARD Parang sa pangalan na iba't-ibang letra ang nakikita Sa saktong koordinasyon ng pag "click" nakita ...