ORASAN
Orasan ang nagbibigay sa atin ng dahilan,
Kung bakit kahit sa maikling panahon ,pag ibig parin ay patutunayan
Kasing bilis sa pag-ikot ng segundong kamay ang tibok ng puso pag ika'y nahahawakan
Kasing bagal din sa pag-ikot ng oras na kamay ang pag-ikot ng aking mundo sa ating pagmamahalan
Kumbaga "Slow-mo" ang "effects na ating kinamamanghaan
Hindi lang sa teleserye nangyayari ang ganitong galawan
Dahil mapababilis o bagal man,ikaw parin ang patutunguhan
Maubos man ang batterya,oras ko parin sayo'y ilalaan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento