CELLPHONE
Cellphone ang larawan ng makabagong panahon
Ang simbolo ng pag-angat sa mundo ng telekomunikasyon
Nakatatak na yata at nailimbag sa kasaysayan at ebolusyon
Cellphone!Ikaw ang nakamamanghang imbinsyon
Ito ang nagtagpi-tagpi sa mga nawawalang bahagi,
Angkan,pamilya,puso ay kanyang hinahabi
Ikaw at ako,para lang nasa tabi
Sa cellphone lang yan,ang mundo'y parang sayo'y pag-aari
Gaano man kalayo
Umulan man o bumagyo
Panata ko sa 'yo
Basta't may cellphone,malabong "walang tayo"
Masama man sa paningin nila
Na ikaw ay sa cellphone ko lang nakuha
Tandaan mo,oh aking Nova!
Langit at lupa ay saksi ng aking tapat na panata
Sampo ng aking makakaya
Isumpa ko pa ni Bathala
Kahit sa cellphone lang kita nakuha
Pagmamahal ko sayo'y walang pagdududa
Ano mang pagsubok ang pagdaanan
Pag-ibig ko parin sayo'y laging patutunayan
Kaya aking sinisinta,sana'y iyong maramdaman
At sana'y iyong malaman
Na dahil sa pagmamahalan
At ikaw din ang dahilan
Kung bakit ang buhay ko'y nagkaroon ng kahulugan
Ano man ang mangyari oh sinta ko,ikaw lang ang aking iibigin,magpakailanman
PEKSMAN!